Monday, February 9, 2009

Hapi Harts Day

....Ilang araw na lang araw na ng mga puso...kaya nga ang lahat ng tao ngaun ay pawang mga nagmamahalan.

Kahit saan ka tumingin may makikita kang magkahawak kamay habang naglalakad, mga larawan ng puso, mga palabas sa tv na tungkol sa pag-ibig at kung anu-ano pa.

....Ilang araw na lang araw na ng mga puso.... pero wala pa kayong pangregalo sa mahal nyo?... siguro dahil wala pa kaung budget... hehehe...hindi naman kaylangan ng magarbong regalo kung magiging creative kayo, makakagawa kayo ng regalo na hindi sing mahal ngunit sing ligaya ang maidudulot mo sa taong mahal mo....

eto ang ilan sa mga bagay na pwede nating gawin sa araw ng mga puso na hindi tayo masyadong gagastos ng malaking halaga...

1.) Personalized Card... pwede mong lagyan ng picture nyo together...tapos sulatan mo ng tula na ginawa mo sa loob (nagawa ko na to dati...kasi wala akong budget eh...hehehe).

2.) Mura/Libreng Bulaklak...kung may kapit bahay kayo na nagtatanim ng rose, pumitas na lang kayo basta wag kayong papahalata (hehehehe), pwede na din ang santan basta handa kayo na ipalo yan sa ulo niyo.

3.) Chocolates...hindi naman kaylangan na mahal ang chocolates pwede na dyan ung sergs, choey choco kesa wala diba.

4.) Picture nyo...dahil uso naman ang mga camera sa cellphones pwede mong pa print ung mga pictures nyo together...tapos lagyan mo ng note sa likod...

5.) Magluto ka...eto the best, hindi lang siya matutuwa, kikiligin sayo...mabubusog pa siya.

O ano..ilan lang yan... maging creative ka lang... sana maging maligaya ang araw ng mga puso natin lahat...

Friday, September 19, 2008

MY HUSBAND'S WOMAN

F*uck yang palabas na yan.... hahahaha....super galit talaga ako...

Kung anu-anong kat*r*ntad*h*n ang tinuturo nila sa kababaihan..
Yung girlfriend ko tuloy ngaun parang galit na hindi sa akin dahil kada panonood nya ng episode ng my husband's woman lagi siyang may narerealize.... hay

wag na sanang ipalabas yan... kahit kaming mga mababait na lalaki...nadadamay :(

Monday, September 8, 2008

Kain Tayo

Makakakain ka ba ng maayos kung ang plato mo ay toilet bowl?
Masasarapan ka ba sa ice cream mo kung hugis t*e ito?
Mabibighani ka ba sa bango ng ulam mo kung kakulay ito ng t*e?

Modern Toilet ay isang kainan sa Taipei


Ang sarap siguro kumain dyan....tignan mo ung ulam oh kakulay ng t*e hehehehehe.....


Ang mga upuan nila ay gawa sa toilet bowl.


Yummy....



Sarap ng ice cream...



May iba't ibang flavors pa...

Kain tayo.....libre ko kayo....

Monday, September 1, 2008

--BER Madness

September na pala parang ang bilis ng pangyayari. Simula na ang mga ber months. Isa lang ang ibig sabihin nito...malapit na magsimula ang countdown for christmas and new year...

PagSeptember na...
1. Lumalamig na ang simoy ng hangin (kasi may katabi kang mayabang....katulad dito sa opis namin hahahaha hale ikaw ba yan!)

2. Simula na ang mga bonuses (ako kaya kelan ko kaya matatanggap ang bonus ko?)

3. Promotion day (siguro sa company lang namin to)

4. Lilinisin na natin ang ating mga christmas tree, christmas decors, christmas lights (hindi naman puro christmas yun)

5. Naglilista ka na ng mga wish list mo for christmas (ako simple lang naman ang wish ko laptop o dslr lang naman)

6. Magsisimula na ang Octoberfest (inuman na!)

7. Malapit na ang birthday ko.... (madadagdagan na naman ang edad ko)

8. Malapit na tayong dumalaw sa cemetery (All saint's day hehehe November 1)

9. Makakatikim na ulit tayo ng masarap na puto bumbong at bibingka pagkatapos ng simbang gabi (sana makumpleto ko ung 9 days)

10. Gumising ng umaga para sa simbang gabi

oo nga pala 115 days to go... pasko na (hindi naman obvious na excited ako sa pasko)

Thursday, August 28, 2008

Project Lafftrip Laffapallooza ni Badoodles

Matagal na akong nagbabasa ng blog ni idol badoodles at matagal ko na ring gustong bumoto dito sa best humor blogs (kaso wala pa akong blog nun) kaya eto na ang honor roll ko...

1. blogniinday - super nag eenjoy talaga ako pag may bagong post tong si inday...siguro na eelibs lang ako sa kanya kasi ang galing nya mag english...at sinasamahan pa talaga niya ng patawa.... kasi ako hindi ako marunong mag english eh...simpleng sentence construction nga hindi ko magawa....Is it raining outside,aren't they?

2. Greenpinoy - super saya din ang blog na to....grabe talaga ung mga pictures... may isa syang post na hindi ko talaga makalimutan yung tungkol sa vagina repair... hehehehe

3. Gagopolis - kahit hindi na siya ganun ka frequent mag post, enjoy parin ako sa mga past post nya....paulit ulit kong binabasa hehehehe....

4. KokeyMonster - the best....speechless

Yan po ang aking mga favorite na humor blog.


Free Blogspot Templates by Isnaini Dot Com and Supercar Pictures. Powered by Blogger