Wednesday, August 27, 2008

Aray ko....puso ko na yan....


Sobrang sakit pag ang taong nagsasabi sayo ng masasakit na salita ang taong sobra mong minamamahal......
Minsan tuloy tinatanong mo ang sarili mo, bakit pa tayo nagmamahal kung patuloy lang naman tayong masasaktan. Siguro, dahil iba ang ligayang nadudulot sa atin ng pagmamahal.....
Pero minsan parang sobra na..... pagkatao mo ang tinatapakan....
pag ganun na ang pangyayari, mamahalin mo pa rin ba siya... o....kakalimutan na lang ang pagmamahal na inalay mo sa kanya.....
PARA SAYO:
Alam ko hindi ako perpekto.....
Alam ko may mga nagawa akong mali sayo...
Alam ko lahat ng yan.... PATAWAD
Sana naman tulungan mo akong magbago... at maayos kung anuman ang meron tayo...
Hindi yung ikaw ang unang bumibitaw....sumusuko....umaayaw......
Alam ko....nararamdaman ko.....alam mo..... na mahal talaga kita....
Natatakot ka lang siguro na baka iwan kita katulad noong dati...
Hindi naman ngayon yung kahapon diba?!
Kalimutan natin ang nakaraan.... magsimula tayo
Naaalala mo ba nung nagkabalikan tayo.....sobrang saya natin....
Nagpapasalamat pa tayo kay God dahil nagtagpo ulit ang mga puso natin....
Ngunit ngaun parang iba na...
nangangapa...
naghahanap ng sagot....
madilim....
malamig....
bangungot....
sana bukas pag gising ko may bagong umagang naghihintay sa akin......

1 nakikain:

Anonymous said...

hon, ang arteh m...hehehheh...churi po...luvu!


Free Blogspot Templates by Isnaini Dot Com and Supercar Pictures. Powered by Blogger